Showing posts with label Zebra. Show all posts
Showing posts with label Zebra. Show all posts

Dec 13, 2009

Pwede bang maging pet ang Zebra?


by: Jon Sosito

"maging pet" ibig sabihin mahalin ng lubos kahit sino pa sya at ano pa sya...

"zebra" ito ang katangian ng taong mahal mo... meron black and white...

hindi sya perfecto...

meron parin maganda at masama sa kanya...

nagpapasaya sa yo ang mga magagandang bagay meron sya...

nagbibigay kalungkutan at sakit ng kalooban naman ang mga bagay na hindi maganda sa kanya...

meron nakapagsabi na hindi mo mahal ang isang tao dahil lamang sa kanyang magagandang katangian...

subalit tinatanggap din ang anuman hindi maganda sa kanya, magkagayun pa man hindi natin gusto ang mga bagay na yun...

tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon na maging instrumento na mabago nya ang mga masasamang bagay na kanyang taglay...

ma-impluwenshayan sa bagay na magiging pakinabangan sa bawa't isa...

hindi man tuluyan mabago pero magkaroon ng impact sa kanya na magbago...

mahirap baguhin ang isang tao, kailangan manggalin ito sa kanya kalooban...


ang mahalin sya ang higit tangi lamang na ating magagawa at umasa sa kanyang pagbabago...