Jul 24, 2011

Pagbabalik ng mga OFW

Actually marami na ang nababalikan at umuuwi dito sa pinas mula sa

iba't ibang bansa at di lang mula sa Saudi, pero ang dilema ng

nakakarami eh ang mga sumusunod:

1. Available Work???

2. Kung pasok naman sa category of skills and knowledge, but OVER-AGE daw!

3. Kung pasok naman sa category of skills and knowledge, but OVER-QUALIFIED daw!

4. Kung pasok naman sa category of skills and knowledge, but OVER-PRICED (asking salary) daw si kabayan!

so ano nga ba ang kahihinatnan ng mga returning OFWs dito sa bansa natin?

Totoo nga bang may AGE-LIMIT maliban sa below 18 years old or above 60 years old?? According to Article 140 of Labor Code. Prohibition against child discrimination. No employer shall discriminate against any person in respect to terms and conditions of employment on account of his age. (reference http://www.dole.gov.ph/labor_codes.php?id=39)

Pero sa issue ng over-qualified, ano kaya sa palagay nyo ang kadahilanan para hindi sya pede makapasok mag-trabaho?

Pero kung mataas ang asking salary ni kabayan eh di maghanap sya ng tatapat sa sahod na hinahangad nya.

Ano sa palagay nyo? Di rin kasi ako mapalagay eh... ^_^



11 comments:

Nestor L said...

BRO, depende yun sa skilled mo, pero mind you
kapag umedad ka na ng 40+ NAMIMILIGRO ka na.
hindi na pinag uusapan masyado dito yung pagiging expert mo sa isang FIELD.

Kadalasan, 18 to 25 years old ang kinukuha ng EMPLOYER dito sa pinas. Alam mo naman sa atin, TAMBAK ang UNEMPLOYED Di uubrang mag malaki ng APLIKANTE.

SWERTE na kapag di BINARAT ang pasweldo sa manggagawa.

Cecilio said...

eto ang sagot ko sa mga categories na yan. 1.)wala nang available work kc pinasok na ni compadre ang inaanak nya..2.)may age limit daw kc mahina na daw pag matanda na..gusto daw nila yung aktibo kagaya kay inaanak ni compadre..3.)marami daw alam magnanakaw..4.) over pricing salary daw kc di raw katulad ni inday 1500 lng mnthly wla ng imik may extra service pa si sir paisano.... oh anong say nyo???

Alexa said...

agree ako sa LAHAT ng sinabi mo...sana kasi wala ng age limit as long as kaya naman nung applicant yung job;....may age discrimination etc. kasi dito...yan ang mahirap

TrainingGround said...

Alam kaya ni Pangulong Aquino ang AGE DESCRIMINATION dito sa atin?, sana isama nya rin yan sa SONA nia. kasi pag wala nang mapapasokan ang ating mga OFW at hindi nakpag pondar para mag negosyo nalang, eh umuuwi nalang ulit sa pagsasaka.

George said...

Isa sa dapat mabago sa Labor law natin ay, dapat may batas na mag pro-protect sa Age Discriminations. Ayaw mag hire ang mga businesses sa Pinas sa mga OFW kasi nag kakaroon ng INSECURITIES ang mga owners, managers at supervisors dahil natatakot silang masapawan at hindi sila sundin. Kasi ang mga OFW exposed na sa mga logical at philosophical ideas. Hindi kasi mag papatalo ang isang OFW kung alam niya ang tama. Bukod doon ang isang OFW lagi nalang may reklamo sa sweldo dahil ang comparison lagi ng isang OFW ay ang dating kita niya nung nasa ibang bansa. (Please note: I am talking in general. HINDI LAHAT). Isa pang dahilan hindi ma guguyo ng employer na Pinoy ang isang OFW. Pero kung totousin pag ang employers ay American or European mas gusto nila ang may idad na kasi alam nila na makakatulong ang may well experiences kesa sa wala. Marami kasing mga Pinoy at Chinese employers (hindi lahat, but majority) na mapagsamantala at ayaw mag bayad ng mga benefits.

Gargantuan Struggle said...

That's very true!

While there are some OFWs who wanted to go back anymore in our country, they cannot find work there because of these reasons which are all very shallow (napaka babaw). Dalawa lang ang alam kong rason:

1) Kabaratan ng local employer (gusto nila'y maliit lang ang payroll kahit mga hilaw at bugoy ang kinukuha nila); and
2) Insecurities of the HR or other company officers (because naturally, they will be clobbered by the experience and techno skills of the returning OFWs / expats).

Aside from these two, I do not know kung meron pa. Imahinasyon na lang iyon ng mga utak talangka sa Pinas.

Albert127 said...

mas mataas pa ang sweldo ng iba nating mga ofw sa sweldo ng manager, oic, kongresman, senador at presidente... tulad po ng isang nurse na merong specialty field tulad ng nasa nicu, picu, burn, cardiac, etc ay sumasahod ng suma total (kasama na overtime) ng mahigit kumulang P80,000.00, ang isang architec o engineer ay humahakot ng mahitgit sa isang nurse, lalo na ang isang doktor...

ang isang skilled worker tulad po ng isang recreation specialist ay bumubuno ng P35,000.00 madadagdagan kung sila ay may overtime...(base po ito sa mga kwentong nasasagap ko sa saudi at hindi po sa amerika o uropa... ang alam ko po ay mga 50% na higit na mas malaki ang bigayan sa iba...)

bakit po ganon, sa ibang bansa ay kaya nilang makapagbigay ng ganitong mga sahod samantalang sa atin ay katiting lang laban dito? wala bang kakayahan ang pilipinas na gumawa ng trabaho na may sapat na sweldo para mabuahay ang isang tao ng patas? ano ano ba ang yaman ng isang isang bansa? bakit yamang pantao lang inututukan ng mga kinauukulan? kailang pakikinabangan ang yamang kalikasan?

Alexa said...

kung may nagbabasa po dito na may impluensaya. suggestion ko lang po na sana may offer ang govt. and private hospitals dito sa phils. ng tig-2 years contract for nurses.after 2years give way naman for other new nurses who need experience. para makaalis sila--kami. kasi yun ang problema naming mga nurses..experience po. kahit 2 years lang..

AntonsDad said...

Kaya gusto ng mga emplyers ang bata kasi nauuto nila, hindi paris ng mga experienced na tulad ng OFWs mga magagaling. Ang discrimination nila at bias ang nag de dfeat ng purpose para umangat ang kumpanya nila.

Ngayon puro pagkain nalang at call centers ang available, kasi jan nangyayari (hindi lahat) ang abuses sa empleyado, patok pa sa mga kabataang short term ang plano.

BING said...

yan ang hirap ng mga companya sa pinas, sana kahit over age basta ba magaling at kaya pa magtrabaho at mapakinabangan ng kompanya..... HIRE NA! para maraming magsibalikan sa sariling bansa kay sa magpaalipin sa ibang lahi!

Jack said...

nararanasan ko yan ngayon mga bro.
Naisip ko nga threaten kaya ang posisyon nito.

Post a Comment