Meron ka na bang nabiling regalo na ipamimigay?
Kapaskuhan na naman... abala ang karamihan habang ang iba naman ay nagpapakaabala sa wala... nagmumukmok sa isang sulok at di malaman ko anong ang gagawin... ang tawag natin dito ay "Christmas Pressure"...
Anong petsa na ba? Ay naku, ilang araw na lang pasko na!
Karamihan ng mga pamilihan ay puno ng tao... ok lang pagpawisan... wag lang mabasa ng pawis ng iba... tsinelas mo'y napatid na kakahap ng mabibili... pag may nakita na mabibili ang sabi mo,
"Ok na yan"... dahil nagigipit na sa panahon at oras di mo na pansin ang iyong binibili...
Nakakalimutan mo ang taong makakatanggap ang mas mahalaga kaysa sa regalo na iyong ibibigay... pero ubos ang pera't panahon na makahagilap ng maireregalo...
Ano nga ba ang bibilhin mo? Laruan? Damit? Sapatos? Relos? Laptop? Cellphone? Ano kaya
perahin mo na lang para daw praktikal... pero magkano? problema na naman yan...
Bakit di ka muna umupo sa isang tabi, kasi kung sa gitna baka matapakan ka pa at maging dahilan ng stampede... dun ka sa lugar na tahimik, wag naman sementeryo at tapos na ang araw ng mga patay... siguro mas maganda sa iyong silid... at lumuhod at manalangin... ipanalangin ang mga taong mahalaga sa iyo... at mga taong nagbibigay halaga sa iyo... panalangin din sa kanila na "home-sick" ngayon kapaskuhan...
pagkatapos ay iyo silang bisitahin, puntahan at ma-i-abot ang munting regalo na iyong pinagkaabalahan bilhin... at bumati ng "Maligayang Pasko" aking mahal... sabay yakap at beso-beso...
Sa inyong lahat, wag magpapadala sa pressure ng kapaskuhan... kaya anong pang ginagawa nyo!? Tara bili na ng regalo baka maubusan na! Wag pabagal-bagal...hahahaha...
Merry Christmas po sa lahat...
kathang-isip ni Jon Sosito na minsan ganito ang naiisip... hahaha :))
3 comments:
Pr.Jonjon!
MERRY CHRISTDAY!
Malungkot na masaya ang Pasko. Bahala na tayong mamili kung una o huli ang pagtutuunan natin ng pansin. since bahala na ako: choose ko yung huli. kaya: MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!!
Sa tagal ko na sa mundong ito, napag alaman ko na mas masarap at maligaya ang nakapagbibigay: ng 3 T's- treasure, time and talent.in whatever form na kaya.TRY NYO! Sasabihin nyo:"AMEN"
'te juliet
Sharjah
Ate Juliet,
Amen po... nawa kahit hindi pasko ay magbigayan!!! :D
amen to thas jonjon. Ingat kayo lagi diyan. Merry Crhistmas and Happy New year to you, your family and your ministry.
Post a Comment