Dec 27, 2009

Post-Christmas Disappointments




Hay, heto na naman tapos na ang Pasko,
At ang Bagong Taon ay nalalapit na...

Hay, bakit parang biglang saya tapos biglang lungkot?
Nagpamigay naman ako ng mga regalo,
Nagpadala ng pera sa pamilya sa pinas,
Tumawag at bumati ng "Merry Christmas" sa mga friends,
Yung iba cannot be reach, kaya text na lang...
Pero mga close ko hintay ko parin ang pagbati nila...

Ang daming aayusin sa bahay at ligpitin...
Pero bakit parang kulang parin?
Nakakaloka, hindi ko maisip kung ano ang kulang!
Hmm, magbukas nga muna ng mga regalo sa akin...

Wow, ang laking kahon, laman ay towel at bimpo may kasamang sabon,
kailangan daw maligo araw-araw hehehe...
Maliit na kahon, wow ulit! pabango Dolce & Gabbana at Eternity!
Expensive! Kahit nga lang "Papa Cologne" pwede na...

Ano naman kaya itong isa? May nakasulat, "How beautiful the feet"...
Laking gulat ko rin na isang pares ng sapatos Lacoste pa!
Heto kanina pa ito sa ibabaw eh, ang sabi...
"Fragile, do not drop, it will break", buti na lang di ko nabagsak, ano kaya laman?
Lo and behold isang HTC Touch Pro2 cellphone! Ang galing naman!

Teka may isa pa, nasa ilalim parang libro yata...
galing kay preacher... buti pa si preacher may regalo sa akin...
Wow leathered Scofield Study Bible KJV!
Binuksan ko, kahit alam ko na ang itsura nito sa loob...
Sympre bago at higit sa lahat BAGO! hehehe...

Binasa ko ang ilang mga pahina, at bigla sa aking kaisipan
ay nasagot isa-isa ang mga katanungan ko kanina...
Ano ba ang kulang? WALA... dahil nasa isip ko lang pala iyon...
Na kahit hindi na pasko, si Kristo parin ang pumupuno ng ating buhay!
At walang anumang bagay o tao ang lubos na makakapag-satisfy sa atin
ONLY JESUS CAN SATISFY OUR SOULS...

Are you still disappointed? Reach out to Jesus...

2 comments:

dzine4u said...

Post-Christmas Disappointment... wow... how can I send this to my friends.

my princess said...

hi ate da, please check your email... i've sent you a message to forward to your friends...

Post a Comment