Dec 30, 2009

Maalaala Mo Kaya si Pepe?






Sa isang barko nagbiyahe sila Pepe at ang kanyang pamilya.

Habang tinatanaw ni Pepe ang dagat at ang mga ibong lumilipad

na parang nakikipaglaro sa hangin ay nahulog ang isang pares ng

kanyang tsinelas sa dagat.


"Pepe, anong nangyari?", tanong ni Tatay Kiko.


"Nahulog po ang isang pares ng aking tsinelas", sabi ni Pepe.


"Paano natin makukuha kaya yun?", ang pahabol na tingin ni

Tatay sa tsinelas habang ito'y palayong tinatangay ng alon.


Dinampot ni Pepe ang kabilang pares at inihagis sa direksyon ng

unang nahulog.


"Pepe!? Anong ginawa mo?", gulat ni Tatay sa ginawa ni Pepe.

Ganito ang paliwanag ni Pepe.


"Tay, wala na rin pong silbi para sa akin ang naiwan na pares.

Kaya't minabuti ko na lang na ipaanod na rin ito kasama ng

naunang nahulog upang kung sinuman ang makakuha nito ay

kumpleto." Nanggaling sa isang batang paslit na may payak na

kaisipan.


Siya ay pinanganak noon ika-19 ng Hunyo taong 1861 sa

Calamba, Laguna. Ang kanyang mga magulang, Don Kiko at

Dona Lolay na may labing-isang anak at pang-pito si Jose

Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda kilala rin sa pangalan

na Pepe.


Ano ba maaaring maalaala natin patungkol sa kanya? Katulad ng

ang gamu-gamo at ang lampara. O kaya ang kanya parabola

patungkol sa unggoy at pagong na pinaghatian ang prutas at

puno ng saging. Naalaala nyo pa ba?


Alam ko hinihintay ninyo sabi ko ang kanyang mga sikat na

naisulat... ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nabasa nyo

ba ito?


Nagpakadalubhasa siya sa ibang bansa, sa larangan ng medisina,

pilosopiya at sa pagsusulat. Naging tanyag sya sa kanyang mga

naisulat sa La Liga Filipina na nagbigay buhay sa kasapian ng

Katipunan na pinamunuan nila Andres Bonifacio at Emilio

Aguinaldo.


Sa totoo lang hindi po ako talaga nakatuon ng husto sa aralin na

ito noong ako'y nag-aaral pa (sory :D ), kulang na rin sa

panahon mag-saliksik pa ng husto patungkol kay Pepe. Ito lang

lahat ng aking naaalala. Alam ko na marami pa siyang mga

nagawa, naguhit, nalilok at naisulat. Di pa kasama dito ang

kanyang mga "love interest" hehehe... Kahit papaano may

naaalala pa ako patungkol sa ating Pambansang Bayani na si

Jose "Pepe" Rizal...


ps...muntik ko pa makalimutan, namatay po siya noon December 30, 1896.

Binaril sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta Rizal Park na.

Pasyalan may pera man o wala :D ... sige po mga suki sa susunod ulit...





haiz ang hirap ng tagalog...hahahaha...

4 comments:

Anonymous said...

parang di na yata sila interesado sa pambansang bayani natin...ano ba ang naalala ko? Josephine Bracken...champurado..."ang taong di magmahal sa sariling wika, mahigit sa hayop at malansang isda"..."Ultimo Adios"...wala na yata akong maalala..nabanggit mo na yung iba.

'te juliet

Anonymous said...

naalala ko di siya marunong gumamit ng ballpen hehehe ang alam niyang gamitin at balahibo ng manok para pansulat, siguro sabungero siya noon ayaw lang ipaalam dahil palging talo kaya sa inis niya siguro ay balahibo ng kaniyang manok na natalo ang pansulat, hehehe minsan joke joke para masaya....kaya tayo mga anak ng Diyos isipin natn kung ano gamit natin lalo na sa kilos at doon malalaman ng mga wala pa kay Kristo kung sino tayo sa paningin nila heheh, kaya sa 2010 ingat po tayo baka makatisod tayo sa kapwa....

kimpoy said...

naalala ko di siya marunong gumamit ng ballpen hehehe ang alam niyang gamitin at balahibo ng manok para pansulat, siguro sabungero siya noon ayaw lang ipaalam dahil palging talo kaya sa inis niya siguro ay balahibo ng kaniyang manok na natalo ang pansulat, hehehe minsan joke joke para masaya....kaya tayo mga anak ng Diyos isipin natn kung ano gamit natin lalo na sa kilos at doon malalaman ng mga wala pa kay Kristo kung sino tayo sa paningin nila heheh, kaya sa 2010 ingat po tayo baka makatisod tayo sa kapwa....


kimpoy po pala

Tuts_Tutaan said...

Hi Jon,

I learned very little about this national hero ng Pelepens. Pero sya ay naging idol ko. Know why? ang dami at ang gaganda ng kanyang mga naging tsikas!! hamakin mo, mga imported pa ang mga natuhog ng ating hero!!! OMG, kaya yun binaril sa Luneta. Kung maranasan ko rin ang kanyang karanasan sa tsikas, wow, kahit saan tabi, pwede na rin siguro akong barilin.. hehehehehehe..... Jok lang.

Post a Comment